Ang Pahayagan

3 preso pumuga subalit agad din na naaresto

ZAMBALES – Tatlong takas na preso ang agad din na inaresto ng mga otoridad ilang oras matapos tumakas ang mga ito sa Zambales Provincial Jail sa bayan ng Iba kahapon.

Ayon kay Zambales Police Provincial Director P/Col. Ricardo Pangan, Jr, kinilala ang mga balik kulungan na sina Bongbong Manalo y Agalon, 28 anyos, may nakasampang kasong mutilation; Bernardo Subrenilla y Tanamal, 23, violation of RA 10591 at BP 881; at Fernando Dimalanta Jr y Dela Cruz, 21, na may kinakaharap na reklamong robbery.

Napag-alaman na sina Manalo at Subrenilla ay nasakote sa kalapit na barangay ng Bancal sa bayan ng Botolan habang si Dimalanta naman ay naaresto sa barangay kung saan matatagpuan ang provincial jail compound.

Nagawang samantalahin na makatakas ng tatlo matapos na utusan umano ng jail guard na magtapon ng basura sa labas ng provincial jail.

Leave a comment