Narekober at nahatak na patungong Subic Bay Freeport sa Zambales ang bangkang pangisda na FB Dearyn.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nabatid na matagumpay na napalutang ang tumaob na FFB Dearyn sa tulong ng salvor ship mula sa pribadong Harbor Star.
Napaga-alaman pa na mahalaga ito para isasagawang imbestigasyon at mapalakas ang ebidensya laban sa oil tanker, na hinihinalang bumangga sa bangka at kumitil sa buhay ng tatlong mangingisdang Pinoy, ayon pa sa PCG. (Film grab PCG)


Leave a comment