Ang Pahayagan

P3.8 B shabu nasabat sa Port of Subic — BOC

SUBIC BAY FREEPORT– Tinatayang nasa P3.8 bilyong halaga ng crystal meth o shabu na itinago na parang tea bags mula sa bansang Thailand ang nahuli sa Port of Subic sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Department of Justice (DOJ),  ayon sa ulat ng Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes, Styembre 28.

Ayon sa BOC, dumating ang shipment noong nakaraang Setyembre 18, sakay ng barkong SITC SHEKOU.

Natuklasan ng pinagsanib na puwersa ng mga law enforcement agencies ang naturang kontrabando dahil sa x ray scanning at examination kung saan nakita ang mga hinihinalang shabu sa loob ng 59 brown boxes na naglalaman ng 530 red and golden tea bags.

Bunsod nito ay isinagawa ang physical examination sa pangunguna ni District Collector Ciriaco Ugay kasama ang mga kinatawan mula sa NBI, PDEA, DOJ, Subic Bay Metropolitan Authority, Customs Anti-Illegal Drug Task Force, at PDEA K9 Handlers upang masusi pang imbestigahan ang naturang mga kargamento.

Napag alaman na ang bawat kahon ay naglalaman ng isang kahon ng chicharon o pork cracklings, tuyong isda, mga kaso ng softdrinks, at mga sako ng feeds upang maitago ang iligal na droga.

Ayon kay Ugay, naging dahilan ito upang agad na maglabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment dahil sa posibleng paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. (f), (I), at (l)-3) at (4) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Matapos nito ay hiniling ng BOC ang tulong ng PDEA, NBI, at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para magsagawa ng controlled delivery operation at matukoy ang mga nasa likod ng importasyon ng kargamento.

Noong nakaraang Linggo, ang kargamento ay naihatid sa Barangay San Jose Malino sa Mexico, Pampanga.

“In this significant operation, law enforcement agencies successfully apprehended P3.6 billion worth of shabu, delivering a major blow to drug trafficking. The collaborative efforts of our dedicated teams, commencing with the BOC and CAIDTF, and notably the NBI and the PDEA, underscore our commitment to combatting the illegal drug trade and safeguarding our communities,” pagdidiin ni Collector Ugay. (Ulat para sa Ang Pahayagan ni JUN DUMAGUING)

📸 Larawan mula sa BOC-Subic

Leave a comment