Nagsagawa ng coastal clean-up ang mga empleyado mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaang panlalawigan ng Zambales nitong 20 ng Setyembre 2023 na ginanap sa dalampasigan ng Balintabog, Brgy. Amungan, Iba, Zambales.
Bahagi ang aktibidad sa pagdiriwang ng ika 123-taong anibersaryo ng Civil Service Commission kung saan hinihikayat ang publiko na maki-isa at makibahagi sa mga programang isinusulong ng pamahalaan na nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan.

Kabilang sa mga naki-isa sa naturang aktibidad ang Office of the Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Jaq Khonghun. (📸 Larawan mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Zambales)


Leave a comment