Ang Pahayagan

Under SBMA Control

SUBIC BAY FREEPORT– Binawi ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang tatlong gusali sa loob ng Freeport zone nitong Martes, Setyembre 12, 2023 dahilan sa umano’y “contractual defaults” ng mga kumpanyang nangangasiwa sa mga ito.

Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Jonathan D. Tan, sinamsam ng ahensya ang dalawang gusali na nagsisibing mga bed and breakfast lodging facility mula sa Parabion Inc., ang Building 8321 sa kahabaan ng Zambales Highway at ang Building 8359 sa Bataan Road, parehong nasa Cubi Triboa District.

Isinunod na binawi ang Bldg. 8045-C ng Ramphos na ginagamit bilang paggawaan at bentahan ng mga amphibious ultralight aircraft na nasa looob ng Subic Bay International Airport (SBIA).

Nabatid kay Tan na expired na umano ang lease agreement sa SBMA ng Ramphos magmula pa noong taong 2020.

Hinikayat ni Tan ang mga kumpanyang nag-operate rito na maging masinop sa kanilang mga obligasyon upang matiyak ang maayos na operasyon ng kanilang pagnenegosyo sa Subic Bay Freeport. (Ulat para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

Leave a comment