Pinangunahan ni Department of Trade and Industry (DTI) Zambales Provincial Director Enrique Tacbad ang isinagawang monitoring and profiling of rice dealers kaugnay sa seryosong pagpapatupad ng Executive Order No. 39 Pangulong Fredinand Marcos Jr.
Ginawa ang halos sabayang paglilibot sa mga munisipalidad ng Subic, Castillejos, San Marcelino, San Antonio, San Narciso, San Felipe, Iba, Palauig, Candelaria, Santa Cruz, Zambales at sa lungsod ng Olongapo nitong Setyembre 5 at 6, taong kasalukuyan.

Layunin ng paglilibot ang maiparating sa mga rice retailers sa mga pamilihang bayan na seryoso ang ipinatutupad na price ceiling para sa regular and well milled rice, batay sa inilabas na kautusan ng presidente.
Itinakda sa nasabing kautusan ang presyong P41.00 per kilo ng regular milled rice, habang P45 naman ang presyo ng well milled rice.
Kasama ng DTI sa paglilibot ang mga kinatawan mula sa mga local na pamahalaan, Municipal / City Agriculture Office, National Food Authority, Department of Local Government at ang lokal na kapulisan.


Leave a comment