ZAMBALES—Muling naglibot ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI)-Zambales kasama ang mga miyembro ng Local Price Coordinatong Council at mga opisyales ng lokal na pamahalaan para sa “Ikot Palengke Program” upang masiguro ang proteksyon ng mga mamimili laban sa hindi patas na kalakalan.
Unang isinagawa ang monitoring and inspection noong Agosto 24 sa Agora Public Market sa bayan ng Botolan kung mahigit 53 na pwesto sa palengke at 5 timbangan ang nairehistro on the spot.
Layunin din ng inspeksyon ng LPCC na tingnan ang mga timbangan kung tama ang mga ito at ang pagsunod sa itinatadhana ng Business Name Law at Price Tag Law.

Nagsagawa din ng kahalintulad na Ikot Palengke Program sa Pamilihang Bayan ng San Marcelino, nitong ika-25 ng Agosto kung saan ay nakapag-inspeksyon ang grupo ng mahigit sa 158 na mga stalls sa palengke at nakumpiska ng walong (8) depektibong timbangan.
Ang Ikot Palengke program ay inisyatibo ng DTI upang makasiguro ang proteksyon ng mga mamimili laban sa hindi patas na kalakalan at proteksyon ng mga konsyumers.
Hinihimok ng DTI ang lahat na maging matalino, mapanuri at disiplinadong mamimili. (Ulat mula kina Melody A. Tangonan at Adrielle R. Dominguez para sa Ang Pahayagan)


Leave a comment