ZAMBALES– Inobserbahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang amphibious assault exercise tampok ang sama-samang Amphibious and Land Operation (ALON) bilateral training ng 2,200 na tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Australian Defense Force (ADF) at United States Marine Corps (USMC) sa San Antonio, Zambales.
Bahagi ang aktibidad ng field training exercises para sa Indo-Pacific Endeavor (IPE): ALON 2023. Nag-umpisa noong 2017, layunin ng bilateral exercise na patibayin ang seguridad sa rehiyon at ang pagtutulungan ng mga bansa sa Indo-Pacific.

Mahigit 2,400 pinagsamang tauhan ang nakikibahagi sa bilateral exercises na binubuo ng 900 mula sa AFP, 150 mula sa USMC at 1,200 mula sa ADF. Bago ang event na ito, isinagawa ang unang FTX na nagtampok ng air assault exercise sa Punta Baja Rizal, Palawan mula 20 22 Agosto 2023. Ang ikatlong FTX bilateral exercise, na nagtatampok ng land training at air training, ay nakatakda sa Agosto 27 hanggang Setyembre 22 sa Capas, Tarlac at Cavite. (Larawan at ulat mula sa PIA / PCO)


Leave a comment