OLONGAPO CITY– Personal na namahagi ng tulong pinansyal si Senador Christopher “Bong “Go para sa 2,000 mahihirap na pamilya ng lungsod ng Olongapo nitong nakalipas na Sabado, Agosto 19, 2023.
Malugod na sinalubong ng mga residente sa pangunguna ni Mayor Rolen Paulino Jr, at Congressman Jay Khonghun ang pagbisita ng senador sa Rizal Triangle.
“Hindi ko po sasayangin ‘yung pagkakataong ibinigay ninyo sa akin. Magtatrabaho po ako para sa Pilipino sa abot ng aking makakaya… Yung narinig n’yo po sa telebisyon na ‘Mula Aparri hanggang Jolo’, ako umabot na ako diyan. Pati Batanes umabot na ako. Dito sa Zambales ilang beses na po akong bumalik rito. Ilang beses na rin po akong bumalik sa Olongapo para makatulong sa mga nangangailangan,” dagdag pa ng senador.
“Kaya kanina bago po ako pumunta rito nagdesisyon po ako na dumaan muna sa Olongapo City at napili namin ni Cong. Jay, Mayor Paulino ‘yung 2,000 na mga indigents, ‘yung mga mahihirap. Namigay po kami ng tulong kanina sa Olongapo City,” pahayag pa ni Go.
Liban pa sa tulong pinansyal ay namahagi din ng wheelchair sa ilang may kapansanan gayundin ng food packs ang senador bilang dagdag na ayuda.
Matapos ang programa sa Olongapo City ay agad na nagtungo si Go sa bayan ng Subic kung saan naging panauhing pandangal ito sa isang graduation ceremony sa Kolehiyo ng Subic. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)


Leave a comment