ZAMBALES – Nagsagawa ng pakikipag-pulong para sa mga residente ng Sitio Kanaynayan Aeta Community ang mga kawani ng Zambales Electric Cooperative (ZAMECO) II upang ipabatid sa mga residente rito ang paraan ng pag-a-aplay ng Lifeline Rate Discount para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) nitong Agosto 22 sa Barangay San Pablo, Castillejos.
Sa naganap na pulong ay tinanggap at prinoseso,na rin ng mga kumpletong aplikasyon ng ilang residente.

Ang Lifeline Rate Discount ay subsidiyang ibinibigay sa mga Marginalized End User ng kuryente na hindi humihigit sa 25 kWh ang buwanang konsumo, sang-ayon sa itinatadhana ng IRR ng RA 11552.
Nilinaw rito na kung ang aplikante ay benepisyaryo ng 4Ps at pasok ang konsumo o may potensyal na mababa ang konsumo ay maaaring mag apply ng diskwento ang mga ito para sa programa.

Kinakailangan lamang ang mga dokumentong sumusunod:
1. Kopya ng 4Ps ID o Sertipika ng pagiging 4Ps;
2. Kopya ng pinakabagong Bill;
3. Katibayan (Brgy Certificate) kung sakaling hindi nakapangalan sa 4Ps ang kanilang bill.
Para naman sa nasa Poverty Threshold:
1. Certificate of Indigency mula sa MSWDO;
2. Kopya ng Bill; at
3. Kopya Government ID.
Ang nasabing aktibidad sa Sitio Kanaynayan ay bahagi ng gawaing Information Education and Communication Campaign ng ZAMECO II para mailapit ang serbisyo sa mga konsyumer ng kuryente.
Naisagawa ng IEC Program sa pakikiisa ng MSWDO at DSWD Municipal Link na si Mr. Marjumel Dionisio
📸 Larawan mula sa Zameco II


Leave a comment