Subic Bay Freeport –Magkatuwang ang Social Security System (SSS) Olongapo Branch at ang Subic Bay Metropolitan Authority- Labor Department sa ginawang pagbisita at paghahatid ng mga abiso na nagpapa-alala sa sampung umano’y mga delingkwenteng employer sa ilalim ng Run After Contributions Evaders (RACE) Campaign nitong Agosto 18, 2023 sa lungsod ng Olongapo at Subic Bay Freeport Zone.
Ayon kay SSS Central Luzon 2nd Division Vice President Gloria Corazon M. Andrada, agresibo aniyang ginagawa ng SSS ang programang ito upang paalalahanan ang mga employer na ayusin ang kanilang outstanding delinquency sa naturang ahensiya.
“Binibigyan namin sila ng 15 araw para sumunod upang maiwasan ang mga legal na aksyon. Nag-aalok kami ng opsyon na condonation program at flexible payment terms, kailangan lang nilang makipag-coordinate sila sa SSS account officers upang maproseso ng kanilang napiling payment scheme” dagdag ni Andrada.
Sa naunang mga RACE operation na ginawa noong Mayo 18, 2023, sa sampung SBFZ locator na binisita, isa rito ang nakagawa ng ganap na settlement sa kanilang mga obligasyon sa SSS, dalawang locator ang may partial compliance at anim na locator ang inendorso na patawan ng legal na aksyon, ayon sa ulat ni Marites Dalope, hepe ng SSS Olongapo Branch.
Sa bahagi naman ni Atty. Melvin Varias, ng SBMA Labor Department pinuri niya ang ang ginawa ng SSS na RACE campaign.
“Mahigpit din naming binabantayan ang pagsunod sa SSS, Pag-Ibig at PhilHealth ng iba pang locators sa kanilang business registration at renewal. Ang pagsisikap na ginawa ng SSS ay malaking tulong para sa departamento upang matukoy kumpanyang nasa SBF na mga lumalabas,” saad ni Varias.
Iniulat naman ni SSS Assistant Branch Head Renato Madera III na mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2023, ang kabuuang delinquency ay umabot sa P26,679,457.32 na kinasasangkutan ng 37 employer na may 938 empleyado.
Nakakolekta aniya ang SSS Olongapo ng kabuuang P14,917,041.56. mula sa 37 employer na nabinisita, 6 ang ganap na nag-settle ng kanilang mga account, 8 ang ni-refer para sa legal na aksyon, 7 sa ilalim ng installment scheme, 6 na subject para sa rebilling, at 10 ang patuloy na sumusunod.
“Regular na sinusubaybayan ng SSS sa pamamagitan ng built-in system ang mga pagbabayad ng mga employer para matukoy ang mga update ng kanilang mga kontribusyon.(Ulat para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)


Leave a comment