ZAMBALES– Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Castillejos, ng pagwasak ng mga nakumpiskang depektibo at madayang timbangan sa pamilihang bayan dito nitong ika-15 ng Agosto 2023.
Kasama ng Department of Trade and Industry (DTI) – Zambales Provincial Office ang mga miyembro ng Local Price Coordinating Council na nasa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeffrey D. Khonghun gayundin ang mga representante mula sa Office of the Municipal Mayor, Office of the Market Master at Business Permit and Licensing Office, at Consumer Affairs Council of Castillejos.

Ang 46 na mga depektibong timbangan ay nakumpiska sa naunang isinagawang inspeksyon-monitoring noong Agosto 9 sa ilalim ng “Ikot Palengke” Program ng DTI.
Ang Ikot Palengke program ay inisyatibo ng DTI upang masiguro ang proteksyon ng mga mamimili laban sa hindi patas na kalakalan at proteksyon ng mga konsyumers.
Hinihimok ng DTI ang lahat na maging matalino, mapanuri at disiplinadong mamimili. (Ulat para sa Ang Pahayagan ni Adrielle R. Dominguez)


Leave a comment