Ang Pahayagan

Cayetano: Duterte, maaaring maging special PH envoy to China

Naniniwala si Senador Alan Peter Cayetano nitong na maaaring epektibong gawing special envoy ng bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China para tumulong na makipag-ugnayan sa back-channel dahil sa magandang katayuan niya sa China.

“There’s no doubt that President Duterte is one of the best representatives of the country when talking to the Chinese government because of his relationship with President Xi Jinping and may experience na both good and bad during his term,” sabi in Cayetano sa isang ambush interview noong July 31, 2023.

Sabi ni Cayetano, na nagsilbi bilang Foreign Affairs Secretary ni Duterte mula 2017 to 2018, na nakuha ng dating Pangulo ang tiwala at respeto ng gobyerno ng China sa pinakamataas na lebel.

“If ever we know someone who can go to the highest levels of the Chinese government that the Chinese government trusts and the Filipino trusts, si President Duterte iyon. But then we have to come out with a strategy that is both comprehensive and that will work in the short and long term,” aniya.

Nang tinanong si Cayetano sa tila kumportableng relasyon ni Duterte sa China, sinabi niya na hindi niya nakita ang dating Pangulo na nakipagkompromiso ang dating Pangulo sa anumang bagay tungkol sa Pilipinas.

“Never kong nakita na nagcompromise at binenta ni President Duterte ang Pilipinas. Iba lang y’ung pagiging bulaklakin ng bibig niya at iba lang siya magsalita, but he never sold out and he will never sell out the Philippines,” sabi niya.

Sinabi ni Cayetano na may pangangailangan para sa back-channel talks sa China para matiyak ang katatagan hindi lamang ng relasyon ng China at Pilipinas kundi maging ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

“The earlier the better kasi tingnan mo, bakit naman lumakas ang China? Kasi maganda ang ekonomiya nila. Ngayon sa taas ng presyo, we need to get all the help we can get sa bigas, gulay, baboy, sa isda at sa lahat,” aniya.

“We’re not only talking about China and the Philippines, I’m talking about fellow ASEAN and China. May danger talaga na pagtaas ng pagkain dahil sa nangyari sa Ukraine ngayon na hindi na naman pinapayagan sa Black Sea to transport the grain from Ukraine and the exports from India,” dagdag pa niya.

Mas matapang na resolusyon vs China

Dahil sa isinagawang closed-door meeting ng Senado nitong nakaraang Lunes ng gabi kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA) at National Task Force for the West Philippine Sea, umaasa si Cayetano na maglalaan pa ng mas maraming oras ang mga senador upang maging maalam at sila ay magkaisa sa kanilang ipahahayag sa isyu.

Ang pagpupulong ay ipinatawag matapos magbabala si Cayetano noong nakaraang linggo laban sa pagpasa ng Resolution No. 659 na inihain ni Senador Risa Hontiveros na humihimok sa gobyerno sa pamamagitan ng DFA na i-sponsor ang isang resolusyon sa United Nations General Assembly (UNGA) na nananawagan sa China na itigil na ang panggigipit nito sa Pilipinas sa loob ng WPS.

Aniya, payag siya na gumawa ang Senado ng mas matapang na resolusyon na nagpapahayag ng galit sa panggigipit nila sa mga mangingisda sa WPS.

“Good development na active ang Senate ngayon sa issue na iyan. Ang sa akin lang, pabor sa atin lahat ito dahil maraming facts na hindi alam tungkol dito. We have to explore many options, hindi puwedeng init lang ng ulo. We have to explore all the means and we will come to the conclusion that the best way is to improve the economy and strengthen our Coast Guard and Navy,” wika niya.

Umaasa rin si Cayetano na hindi mamadaliin ng Senado ang pagpasa ng Resolution 659 dahil mahalaga ang isyu.

Cayetano sa label na ‘pro-China’: Madaling makipagsigawan pero mga mangingisda, Coast Guard natin ang kawawa

“Ang dali-daling tumayo diyan at murahin ang mga Chinese para maging popular ka, pero ang kawawa ay y’ung mga mangingisda na hindi makakapangisda.”

Ito ang tugon ni Senador Cayetano sa mga paratang na siya ay “pro-China” dahil sa hindi niya pagpayag na dalhin sa United Nations General Assembly (UNGA) ang reklamo ng bansa laban sa panggigipit ng China sa Coast Guard ng Pilipinas.

 “Nagmumukha lang tayong matapang sa [ganoon] but we’re actually shooting ourselves on the foot,” sagot niya sa isang pulong balitaan.

Pahayag ng senator, mas gugustuhin niyang “ma-bash” sa “paggawa ng tama” kaysa ipagsapalaran ang kaligtasan at mga karapatang pang-ekonomiya ng mga Pilipinong mangingisda at militar sa West Philippine Sea (WPS).

Binanggit ni Cayetano kung paanong naibalik ang karapatan ng mga Pilipinong mangingisda sa WPS noong administrasyong Duterte sa pamamagitan ng “calm and circumspect” na estratehiya pagdating sa pakikipag-negosasyon sa China.

“Sa panahon ng arbitration award, bawal mangisda ang Filipino sa Scarborough. N’ung pumasok si Duterte at nag-usap [ang Pilipinas at China], pwede nang mangisda,” dagdag niya.

“Parang ang dating kasi sa tao, ‘pag pumunta tayo sa UN, mas matapang tayo, maso-solve natin ‘to. Pero kung magbotohan at sabihin mong 30 [na bansa] ang mag-abstain, eh ‘di parang humina pa y’ung [Arbitral Ruling] natin,” pahayag ni Cayetano. Hinikayat niya ang mga kapwa mambabatas na huwag bigyan ng “false hope” ang sambayanang Pilipino.

Muli niyang idiniin na ang UNGA ay walang “enforcement mechanism” kaya “none of [the countries] can tell China to back-off.”

“So sa akin, mas kalmado tayo, mas circumspect, matapang nating sabihin y‘ung mali,” aniya. (PR)

Leave a comment