Ang Pahayagan

Redondo uphill challenge

Pinangunahan ni Deric John Gorospe ang kauna-unahang Redondo Uphill Challenge na ginanap nitong Linggo, Hulyo 23 sa Barangay Cawag, Subic Zambales.

Ang 600meter with 13 % gradient, round robin race ay naisakatuparan sa tulong nina Mihr at Megumi Takayama (Megumihr), Rolando Salao Jr., Pinku-chan at ng Mama’s Bike Zone.

Sa naturang karera ay pumangalawa si Kiel Aquino na sinundan naman ng batang Novo Ecijano na si Xen Alipala para sa ikatlong puwesto.

Nakatakdang masundan ang serye ng ganitong pakarera sa Mt Bucao sa Botolan at sa Mt.Tapulao sa bayan ng Palauig, Zambales, ayon sa race organizers. (Ang Pahayagan photo / JUN DUMAGUING)

Leave a comment