Ang Pahayagan

Rural woman ng Zambales, kinilala

ZAMBALES– Itinanghal si Marife Fernandez mula sa bayan ng Cabangan bilang rural woman ng probinsiya ng Zambales.

Ito ay matapos ang isinagawang regional field validation ng Department of Agriculture (DA) nitong nakalipas na ika-23 ng Hunyo sa Barangay San Rafael, para sa 2023 Search for Outstanding Rural Women.

Naging matagumpay ito sa pangunguna ng Gender and Development (GAD) Focal Point System ng ahensiya.

Ang mga regional field validators ay binubuo nina GAD Head Secretariat Zayra Toledo, Rica Salas, Agricultural Program Coordinating Officer ng Zambales Gil David at GAD Secretariat Imariole Tayag.

Paniniwala ni Fernandez na sa sipag, tiyaga at paniniwala sa sariling kakayahan ang kanyang paraan sa pag-abot ng tagumpay.

“Hindi kasalanan ng isang tao ang maging isang mahirap, ngunit naniniwala akong kasalanan ng tao ang mamatay ng mahirap,” sambit niya.

Matatandaang ang kompestisyong ito ay unang nailunsad ng DA taong 2003 na nakaangkla sa polisiya, programa at planong nakaayon sa Republic Act 9710 o mas kilala bilang Magna Carta of Women.

Simula nito, taon-taon na itong idinaraos bilang pagkilala sa paghihirap, pagsusumikap at kontribusyon ng bawat kababaihan lalong lalo na ang mga magsasaka at mangingisda sa Pilipinas.

Noong 2022, itinanghal si Villamor Molina ng Botolan, Zambales bilang Regional Winner ng Gitnang Luzon.

📸 Larawan mula sa DA Gitnang Luzon

Leave a comment