Ang Pahayagan

Ikot Palengke program, patuloy na isinusulong ng DTI-Zambales

Patuloy na isinasagawa ng Department of Trade and Industry Zambales Provincial Office kasama ang mga miyembro ng Local Price Coordinating Council ang “Ikot Palengke” program upang suriin ang mga timbangan at kung tama ang pagsunod sa itinatadhana ng Business Name Law at Price Tag Law.

Sa pinakahuling paglilibot ng nasabing grupo sa Masinloc Public Market kung saan 135 na stalls ang ininspeksyon ay nakakumpiska ang 16 depektibong weighing scale, samantalang sa San Marcelino Public Market naman na may 172 stalls ay walong (8) defective weighing scale ang kumpiskado.

Ang Ikot Palengke program ay inisyatibo ng DTI upang makasiguro ang proteksyon ng mga mamimili laban sa hindi patas na kalakalan at proteksyon ng mga konsyumers.

Leave a comment