ZAMBALES—Matagumpay na isinagawa ang Research Festival 2023 ng President Ramon Magsaysay State University (PRMSU) College of Engineering sa pakikipag-tulungan na rin ng Department of Trade and Industry-Zambales nitong Miyerkules, Hunyo 14, 2023.
Sa temang “Student Innovations: Showcasing Gender Responsive Engineering Researches,” dalawamput-dalawang (22) prototypes na nakatuon sa teknolohiya tulad ng pagmamanupaktura, agrikultura, pagpoproseso ng pagkain, konstruksiyon at transportasyon ang itinanghal.

Ayon kay DTI Zambales Provincial Director Enrique D. Tacbad, karamihan sa mga naging bunga ng pananaliksik ng mga mag aaral ng College of Engineering ang nakatuon sa pagpapabuti ng production capacity at technology innovation ng mga micro-small and medium enterprises (MSMEs).
Kabilang sa mga teknolohiyang ito na handa nang i-adopt ng mga MSME ay ang Mechanized Bamboo Stick Polisher, Industrial Fish Crusher (para sa Bagoong making), Mechanized Pastillas Cooking Machine, Sesame Candy Slicer at ang Mechanized Sweet Potato at Taro Slicer.
Ang mga pananaliksik hinggil sa naturang mga makina ay bunga ng consultancy and technology needs assessment na isinagawa nina Dr. Marlon James Dedicatoria, Dean ng College of Engineering, at Engr. Jasper Anthony Cuevas, COE Professor, sa nakaraang OZMAC meeting noong 2022, na bahagi sa mga aktibidad ng Provincial Inclusive Innovation Center (PIIC) ng Zambales.
Isa sa highlights ng festival ay ang PRMSU Solar e-vehicle na sinubukan sakyan nina Dir. Tacbad at Dr. Dedicatoria sa loob ng kampus. (Ulat para sa Ang Pahayagan ni JUN DUMAGUING)
📸 Mga larawan mula sa PRMSU


Leave a comment