Patuloy ang DSV Fire Opal, sa paghigop sa natitirang langis sa lumubog na MT Princess Empress sa katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Nagsimula agad ang “siphoning” o paghigop sa natitirang langis ng lumubog na motor tanker pagkatapos ang boarding formalities noong May 29.
Ang DSV Fire Opal ay “chartered” ng Malayan Towage and Salvage Corporation at kinontrata naman ng Protection and Indemnity Insurance Club.
Naglayag ito mula Singapore at nakarating sa Subic Bay Freeport Zone noong ika-26 ng Mayo 2023, bago dumiretso sa katubigan ng Oriental Mindoro.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, mula sa humigit-kumulang 800,000 litro na langis, nasa 120,000 hanggang 240,000 litro pa ng langis ang inaasahang hihigupin ng DSV Opal.
Nabatid naman kay Incident Management Team-Oriental Mindoro (IMT-Ormin) Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla, maaaring abutin ito ng 20 hanggang 30 araw, depende sa lagay ng panahon at “subsea progress.”
📸 Larawan mula sa PCG.


Leave a comment