ZAMBALES — Bawal munang maglayag ang anumang sasakyang pandagat sa bisinidad malapit sa Naval Education and Doctrine Training Command (NETDC) sa San Antonio kung saan idaraos ang littoral live fire exercise ng Balikatan 2023.
Ito ay batay sa inilabas Notice to all Mariners Number NSD 077-2023 ng Philippine Coast Guard (PCG) na may petsang March 9, na implementasyon umano ng “No Sail Zone” dahil paglahok ng PCG sa isasagawang PH-US Balikatan Exercises sa Abril 25 hanggang 27, 2023.

Maging sa San Felipe ay nagpalabas din ng advisory si Mayor Reinhard Jeresano noong Abril 19 para sa mga mangingisda at beach resort establishment owners ng No sail zone at no beach activities sa kanyang munisipalidad habang ginaganap ang naturang military exercise.

Mahigpit ang tagubilin para sa mga resort establishment owners na pagbawalan ang kanilang mga bisita na magkaroon ng anumang aktibidad sa baybaying-dagat.
📸 TAMBAY MUNA. Makikita sa larawan na nakatengga ang mga bangkang de motor sa pampang ng Barangay San Miguel, San Antonio matapos magpalabas ng “No Sail Zone” advisory mula Abril 25 hanggang 27 ang Philippine Coast Guard habang ginaganap ang Ph-US Balikatan military exercise.


Leave a comment