Ang Pahayagan

PhilSA nagbabala kontra rocket debris mula sa Chinese rocket

ZAMBALES– Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa mga sasakyang pandagat na naglalayag malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, na mag-ingat sa mga lumulutang na debris na nagmula sa Chinese rocket na inilunsad noong nakaraang Biyernes, Marso 31.

Nabatid mula sa PhilSA advisory na ang nasabing rocket ay inilunsad dakong 2:27 ng hapon (Philippine time) mula sa Jiuquan Satellite Launch Center sa Gobi Desert, Inner Mongolia.

Nabanggit din na batay sa  Notice to Airmen na inilabas ng Civil Aviation Administration of China para sa Civil Aviation Authority of the Philippines na posibleng may mga unburned debris pa rin mula sa rocket ang tinatayang bumagsak 398 km sa Scarborough Shoal na 240 kilometro naman ang layo mula sa baybayin ng Zambales.

“The debris is unlikely to have dropped on land features or inhabited areas within the Philippine territory. However, discarded debris may float around the area or wash to nearby coasts,” ani ng PhilSA advisory.

Nagbabala din ng PhilSA sa publiko sa pagkuha o paglapit sa mga matatagpuang rocket debris dahilan anila sa taglay nitong mga possible nakakalasong kemikal tulad ng rocket fuel.

Pinayuhan din ang lahat na agad na ipaalam sa lokal na awtoridad para sa nararapat na aksyon kung sakaling may mapadpad na debris sa kanilang lugar.

“Long March 4C is known to carry toxic chemicals such as fuel. PhilSA cautions everyone against retrieving or coming in close contact with debris that may contain remnants of toxic substances such as rocket fuel”, dagdag pa sa PhilSA. (Ulat sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

Leave a comment