Ang Pahayagan

ROV-equipped US ship dumating upang tumulong sa oil spill clean-up

SUBIC BAY—Dumating sa Subic Bay Freeport nitong nakalipas na Martes ang sea vessel na Pacific Valkyrie upang umayuda sa oil spill clearing operations sa Oriental Mindoro.

Ang naturang bapor na ipinadala ng Estados Unidos ay may sakay na submersible remotely operated vehicle (ROV) na may kakayahang magsasagawa ng video and sonar survey sa lugar kung saan lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress.

Kasama din sa ipinadala ang mga eksperto mula sa US Coast Guard, National Oceanic and Atmospheric Administration, at US Navy  pati na din ang mga gagamiting personal protective at support equipment, vehicles na gagamitin sa pagkontrol ng pagkalat ng langis.

Sa kasalukuyan ay may kabuoang 10,206 litro na ng magkahalong langis at tubig gayundin ang 72,643 kg. ng oil-contaminated debris ang nakuha sa isinasagawang cleanup operations sa mga apektadong lugar.

Apektado sa naturang environmental emergency ang kabuhayan ng mahigit sa 36,000 pamilya. (Ulat para sa Ang Pahayagan ni JUN DUMAGUING)

Leave a comment