Ang Pahayagan

Kauna-unahang Onion Harvest Fest sa San Marcelino, idinaos

ZAMBALES- Matagumpay na naidaos ang kauna-unahang Onion Harvest Festival at Field Day ng Municipal Agriculture Office na ginanap sa Albert Apano Farm sa Barangay Linusungan sa bayan ng San Marcelino.

Ang aktibidad ay kaugnay sa varietal trial sa produksyon ng sibuyas kung saan ang resulta nito ang magtutukoy ng angkop na uri ng sibuyas na magandang itanim gayundin ang magiging basehan ng mga interbensyong ng Department of Agriculture.

Itinampok sa aktibidad ang kakayahang makapag-produce ng ibang commodity katulad ng sibuyas ng San Marcelino na mas kilala sa pagpapalay.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina Sangguniang Bayan Member. Nestor Ignacio ng Committee on Agriculture, OIC-Provincial Agriculturist Crisostomo Rabaca, Karlo Friedrick Dimaano, ng Municipal Agriculturist Office; Barangay Officials ng Linusungan, Provincial at Municipal Agriculture Office staff at mga bisita mula sa iba’t ibang bayan.

Nagbigay din ng testimonya ang may ari ng farm na si Albert Apano. na nagsabing ngayon pa lang aniya siya nagsimula industriya ng pagsisibuyas. Ibinahagi niya ang naging karanasan sa pagsisibuyas at pinasalamatan ang MAO na malaking bahagi sa kanyang naging masaganang ani.

📸 Larawan mula sa San Marcelinoc Public Information Office

Leave a comment