Aprubado umano sa Malacanang ang rekomendasyon na ibenta ang mga nakumpiskang smuggled sugar sa mga Kadiwa stores.
Ito ay ayon sa isang opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa panayam ng isang himpilan ng radyo na nagsabing maaari na ngayong ibenta sa mga Kadiwa outlets ang kabuuang 12,000 metric tons (MT) ng smuggled na asukal.
Una muna aniya na ido-donate ang mga nakumpiskang asukal sa Kagawaran ng Pagsasaka o Department of Agriculture bago ito ipagbili sa mga Kadiwa stores.
Napag-alaman na may kabuoan 8,000 tonelada ng asukal ang nakumpiska sa Port of Batangas at mayroon din sa Port of Subic na 4,000 tonelada.
Ang pinakahuling kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic ay ang tatlumpung 20-footer containers na naglalaman ng P86 milyong halaga ng smuggled sugar noong nakalipas na Marso 15.
Nagmula sa Hong Kong ang mga asukal na idineklarang suwelas ng tsinelas at styrene butadiene rubber.


Leave a comment