Ang Pahayagan

P150 milyung halaga ng asukal pinigil ng Customs Subic

SUBIC BAY—Pinigil ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic ang may 30,000 sako ng asukal na tinatatayng nasa P150 milyung ang halaga na dumating sa Subic Bay Freeport Zone kamakailan.

Nabatid na ang nasabing mga asukal na nasa 58 container ay hindi umano maayos na ideneklara nang dumating sa naturang puwerto kung kaya’t agad na nag-isyu si District Collector Maritess Martin ng Pre-Lodgment Control Orders at Alert Orders  base na din sa kautusan ang Department of Agriculture (DA).

Magkakasamang nag-inspeksyon ang BOC-Subic, DA at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa naturang shipment ng asukal kahapon Marso 2.

Sinuri din ng Customs ang dalawa pang containers na naglalaman ng squid rings na nadiskubreng may kasamang mga mis-declared assorted frozen meat products na halos P40 milyun ang halaga.

Bunsod nito ay nakatakdang maglalabas din ng kautusan ang BOC para kumpiskahin ang nasabing mga meat products bago pa mailabas ang mga ito sa mga lokal na pamilihan.

Giit ng BOC na malaki ang malulugi sa ekonomiya ng bansa sakaling makarating sa merkado ang mga nabanggit na produkto.

Leave a comment