Ang Pahayagan

Kambal na lindol yumanig sa Zambales

ZAMBALES — Niyanig ng kambal na lindol ang lalawigang Zambales kagabi, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang naunang pagyanig dakong 6:23 ng gabi sa magnitude of 4.6 na natala na nag-ugat sa 043 km S 87° W sa San Felipe na sinundan ng mas malakas na magnitude 5.0 ganap na 6:33 na natala mula sa 032 km S 90° W sa nabanggit din na bayan. 

Ayon sa Phivolcs naramdaman ang Intensity 1 hanggang intensity 3 na pagyanig sa mga bayan ng San Felipe, Cabangan, Botolan, Candelelaria, San Antonio at Castillejos sa Zambales gayundin sa Subic at Olongapo City, bunsod ng 4.6 na lindol.

Habang sa 5.0 na pagyanig ay natala ang intensity 3 sa Masinloc, intensity 2 sa Cabangan at Iba habang intensity 1 sa Botolan at Castillejos, Zambales.

Sa kabutihang palad ay walang natalang pagkasira sa mga istraktura o nasaktan sa naganap na kambal na lindol.

Leave a comment