BOTOLAN– Nagsagawa ng mangrove planting ang mga empleyado ng munisipyo ng Botolan sa pangunguna ng Task Force Mother Earth kasama ang kinatawan mula ng Zambales Provincial Environment and Natural Resources Office at mga volunteers sa Panayunan, Danacbunga dito bilang suporta sa World Wetlands Day ngayon Pebrero 2.
Layunin ng nasabing proyekto na makatulong sa pangangalaga ng kalikasan gayundin sa disaster prevention and mitigation sa mga komunidad na malapit sa mga lugar ng bakawan, ayon sa social media post ng MDRRMO Botolan.

Ang World Wetlands Day, na ipinagdiriwang tuwing ika-2 ng Pebrero ng bawat taon at nilalayon nitong mapataas ang pandaigdigang kamalayan tungkol sa mahalagang papel ng mga wetlands para sa mga tao at planeta.
Itinakda ang petsa bilang paggunita sa isinagawang Convention on Wetlands noong 2 Pebrero 1971 sa lungsod ng Ramsar sa bansang Iran.
Ang mga wetlands ay kritikal ecosystem dahilan sa malaking ambag nito sa biodiversity, climate change, availability ng inuming-tubig, at kanlungan ng mga isda. Mahalaga na maitaas ang kamalayan tungkol sa mga wetlands upang maiwasto ang mabilis na pagkawala nito at hikayatin ang mga aksyon upang mapanatili at maprotektahan ang mga ito.
📸 MDRRMO Botolan


Leave a comment