NAVOTAS- Nahuli nang Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko at tatlong bangka na umano’y nagnanakaw ng diesel (fuel pilferage) sa katubigan ng Navotas Fish Port noong ika-28 ng Enero 2023.
Naaktuhan ng nagpapatrolyang PCG team ang limang tripulante ng naturang barko habang nagsasalin ng diesel sa tatlong bangka na may sakay na 13 tripulante.

Sa pag- inspeksyon sa naturang mga sasakyang pandagat ay nakumpirma ang umano’y fuel pilferage kung saan tinatayang humigit-kumulang sa 20,000 hanggang 30,000 litro ng diesel ang naisalin sa tatlong bangka mula sa barko, ayon sa ulat ng PCG.
Napag-alaman pa ng PCG na sangkot din sa fuel pilferage ang tatlong bangka, hindi lamang sa katubigan ng Maynila, kundi pati na rin sa Bataan at Batangas.
Agad na dinala sa Coast Guard Sub-Station Navotas mga sangkot na sasakyang pandagat at mga tripulante nito para sa paghahain ng karampatang kaso.
📸 Larawan mula sa Philippine Coast Guard


Leave a comment