Subic Bay Freeport—Isinusulong ngayon sa Kamara de Representantes ang panukala na naglalayong palakasin ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act No. 7227 nang sa gayon ay lumaki din ang kapakinabangan rito ng mga lokal na pamahalaan at gobyernong nasyunal.
Ayon ka Bataan Rep. Geraldine Roman, ang naturang panukala ay gagawin sa pamamagitan ng House Bill 530 kung saan magsususog ng ilang bagong probisyon na aniya magpapalakas sa bases conversion development.
Ang ilan sa nakasaad sa panukala ay ang improve revenue collection na magtataas sa revenue shares ng Local Government Units (LGU) na nakapaligid sa Subic Bay Freeport.
Iminungkahi din ang “reallocation formulas” para sa mga lalawigan ng Bataan at Pampanga kung saan tatanggap ang mga ito ng two percent (2%) tax on gross income mula sa kita ng free-port zone.
Panukala din ang karagdagang Board of Directors ng SBMA mula sa LGU maging sa Indigenous Peoples na nakatira sa sakop ng Subic Bay Freeport Zone.
“It is high time to incorporate provisions to professionalize the SBMA Board of Directors and also to ensure and strengthen the public safety and security of the freeport zone,” saad ni Roman kauganay sa kanyang panukala. (JUN DUMAGUING / Ang Pahayagan)


Leave a comment