ZAMBALES- Matagumpay na naisagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa tulong ng Municipal Agriculture Office ng San Narciso katuwang ang Provincial Agriculture Office ng Zambalez ang pagbibigay ng 5,000 pisong tulong pinansyal sa mga magsasaka ng lalawigan sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) nitong ika-18 ng Enero sa Community Livelihood Center, San Narciso, Zambales.
Ang layunin ng RCEF-RFFA ay magbigay ng pansamantalang kaluwagan sa mga kwalipikadong magsasaka sa buong pagpapatupad ng Rice Tarrification Law (RTL) at magbigay ng tulong salapi sa mga magsasaka ng palay na rehistrado sa RSBSA na nagbubukid ng dalawang ektarya at mas mababa.
Tinatayang nasa 1,418 na magsasaka ng palay sa San Narciso ang nakatanggap ng ayuda mula sa programa.
Dinaluhan ang caravan ng Zambales Agriculture Program Coordinator Gil David, Board Member on Agriculture Lugil Ragajo, Provincial Agriculturist Crisostomo Rabacca, Mayor Larraine Abad Sarmiento at Universal Storefront Services Corporation Area Manager Cris Parcia.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Charlie Febelina na may isang ektaryang palayan mula Brgy. Paite, San Narciso, Zambales sa natanggap na 5,000 piso.
“Maraming-maraming salamat po sa ibinibigay na tulong at natatanggap naming biyaya sa DA. Magagamit kopo ito pandagdag pambili ng abono sa aking tanim na palay,” saad ni Febelina.
Sa kabuuan, tinatayang sana 16,074 na magpapalay ang mga nakatarget na makakatanggap mula sa RFFA program ng Kagawaran para sa taong 2022-2023.
📸 Larawan mula sa Department of Agriculture-Central Luzon


Leave a comment