Ang Pahayagan

P50-M na halaga ng agri products sinakote sa Subic

Port of Subic- Tinatayang aabot sa halos P50 miyong halaga ng agricultural products ang kinumpiska makaraan na matuklasan sa inspeksyon na pawang mga misdeclared, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules Disyembre 28.

Nabatid na ang naturang mga produkto ay kinabibilangan ng frozen pork, beef, fish, at squid; red at white onions; carrot; chicken feet; canned abalone, kasama na ang mga fuel pump assembly at isang lowry truck.

Ayon sa PCG, ang mga kargamento ay dumating sa Subic Bay International Terminal na nakalagay sa 48 container vans na sinuri sa inspeksyon noong December 15, 19, 20, at 21, ng taong kasalukuyan.

Ang mga produkto ay isinailalim sa seizure and detention warrants at nakatakdang dadalhin ang mga ito sa Porac, Pampanga condemnation area.

(Larawan mula sa PCG)

Leave a comment