ZAMBALES – Nakatakda nang muling biuksan ang Mt. Pinatubo trekking adventure mula sa bayan Botolan makaraan na maglunsad ang pamahalaang lokal ng pag-inspeksyon sa daanan patungo sa crater ng bulkan nitong Lunes, Disyembre 26.
Personal na pinangasiwaan ni Angel Diesta, Chairman on Committee on Tourism, kasama si Municipal Tourism Officer Gennessy Villar at ilang mga kawani nito sa inisyal na inspeksyon bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng naturang tourist attraction site.
Sa pahayag ni Botolan Mayor Jun Omar Ebane, gusto lamang masiguro ng lokal na pamahalaang bayan katuwang sina Vice Mayor Doris Ladines at Sangguniang Bayan Members na magiging maayos, ligtas at organisado ang lahat bago umpisahang bukasan sa publiko ang pagtungo sa bulkang Pinatubo.
Magugunitang pansamantalang isinara sa publiko ang Mt. Pinatubo trekking adventure dahilan sa Covid-19 pandemic.
📸 Botolan LGU photo


Leave a comment