Ang Pahayagan

Kadiwa ni Ani at Kita on Wheels inilunsad ng DA

PAMPANGA- Naglunsad ng Kadiwa ni Ani at Kita on Wheels ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan Pampanga sa Bren Z. Guiao Convention Center, City of San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan ito ni Acting Governor Lilia Pineda kasama ang ilang lokal na opisyales ng lalawigan ng Pampanga, Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), Officer In Charge ng Provincial Agriculturist of Pampanga Jimmy Manliclic at Provincial Agribusiness Coordinator Lilibeth Manliclic.

Ang Kadiwa ay isang sistema ng pamilihan na naglalayong maibenta ang mga pangunahing produktong pang-agrikultura sa mababang presyo upang matulungan ang mga konsyumer.

Dinaluhan din ito ni Senator Imee Marcos bilang panauhing tagapagsalita, kung saan kaniyang inihayag ang pagsuporta sa programa ng kagawaran.

Nilahukan ito ng mga iba’t ibang Farmers Cooperative and Associations mula Pampanga tulad ng Sta. Ana Agricultural Multi-Purpose Cooperative, San Jose Tabon Farmers Association, Mandasig Farmers Association Inc. at Kaka Farmers Association Inc..

Ayon kay Manliclic, ang Kadiwa ay isang mahalagang programa ng kagawaran na nakatutulong sa mga magsasaka, mga konsyumer at mga kabataang pinasok ang sektor ng agrikultura.

“Sa programang ito ng kagawaran, naibebenta ng direkta ng ating mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga konsyumer at naipakikilala na rin ng mga ito ang kanilang mga bagong produkto. Pagdating naman sa parte ng ating mga konsyumer nabibili nila ang mga produktong ito sa mababang presyo,” saad nito.

📸 Mga larawan mula sa DA Central Luzon

Leave a comment