PAMPANGA–Inaresto ng mga operatiba ng Bataan Maritime Police Station ang apat na mangingisda makaraan na maaktuhan umano ang mga ito na gumagamit ng ipinagbabawal na “active gear” o trawl sa katubigang sakop ng Sitio Mindanao, Macabebe Pampanga.
Ang naturang mga mangingisda na pawang mga residente ng Sta Cruz, Hagonoy, Bulacan, ay nasakote sa isinagawang Seaborne Patrol Operation dakong 2:00 ng hapon noong Lunes, Nobyembre 21.

Bunsod nito ay kumpiskado din ang gamit ng mga ito na isang commercial fishing boat FBCA “Andrei”.
Ang mga naaresto ay dinala sa himpilan ng Bataan MARPSTA sa Brgy. Sisiman, Mariveles, Bataan at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
📸 Larawan mula sa Bataan Maritime Police Station.


Leave a comment