Ang Pahayagan

Arjay Piletina, kahanga-hangang honesto ng Subic

ZAMBALES- Isang kahanga-hangang katapatan ang ipinamalas ng 19-anyos na si Arjay E. Piletina nang magsoli ito ng kulay itim na bag na naglalaman ng P70,000 cash, mga ATM Cards at iba pang mahahalagang bagay kahapon.

Nakita ni Piletina, residente ng Barangay Wawandue, ang naturang bag habang ihahatid ang pamangkin papunta sa ospital.

Ayon kay PMaj Mark Louie Sigua, sa kabila nang sitwasyong kinakaharap ni Piletina ay hindi ito nag-atubili na isurender muna sa Subic Municipal Police Station ang natagpuan bag.

Sa pamamagitan ng mga identification card na nasa loob ng bag at pag-asikaso ng mga pulis ay agad naipagbigay-alam sa may ari ang natagpuan ng bag.

Labis ang pasasalamat ng may-ari nito sa ginawang kabutihan at katapatan ni Piletina at maging ang kapulisan ng Subic Municipal Police Station ay saludo sa katapatan at pagiging magandang ehemplo nito. (Ulat ni JUN DUMAGUING)

📸  Subic MPS

Leave a comment