Ang Pahayagan

Lalaki huli dahil sa ibinentang Leopard Gecko

Olongapo City—Arestado ang isang 32-anyos na lalaki matapos na magbenta umano ng Leopard Gecko sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis sa Barangay Barretto nitong Lunes, Nobyembre 7.

Ayon kay PLt Mariel S. Cuizon, OIC ng Olongapo City Maritime Police Station, sinakote ang lalaki na taga- Barangay Dirita San Antonio, Zambales nang makuha sa kanyang pag-iingat ng isang Leopard Gecko na nakalagay sa acrylic enclosure box na paglabag sa itinatadhana ng Sec 27 of R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act in relation to R.A 10175 (Cyber Crime).

Nauna rito ay nakipag-transaksyon umano ang suspek sa mga operatiba ng RMU3 Cyber Patrol team kung saan ibinebenta nito ang butiki sa halagang Php 1,800.00 sa pamamagitan ng online buy and sell group sa social media.

Wala din umanong maipakitang dokumento ang suspek mula sa DENR hinggil sa hayop na nasa kanyang pag-iingat.

Photo courtesy of Olongapo City MARPSTA

Leave a comment