Ang Pahayagan

Kita ng Subic seaport tumaas ng 14%

SUBIC BAY FREEPORT— Tumaas ng 14 porsiyento o katumbas sa P1.14 bilyon ang kinita ng seaport dito base sa tala ng Enero hanggang Setyembre taong kasalukuyan, na inilabas ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ayon kay SBMA Seaport Department General Manager Jerome Martinez, naabot sa loob ng siyam na buwan ang forecast na kita ng ahensya na P1.4 bilyon para sa taon.

Nabatid na mula Enero hanggang Setyembre, nagkaroon ng 1,810 ship calls sa Subic port kumpara sa 1,460 na mga pagdaong sa parehong panahon noong 2021.

Nagkaroon aniya ng 1,087 foreign ship calls, higit na mataas ng 18 porsyento kumpara sa 921 noong nakalipas na taon.

Nagmumula ang kinikita ng Subic Seaport sa nasisingil na vessel charges, cargo charges, processing fee, SBMA share, facility lease/rental at iba pang mga bayarin ng mga port users.

Leave a comment