Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang nakuha ng mga otoridad sa karagatang sakop ng bayang ng Subic, Zambales noong Miyerkules ng hapon Setyembre 14.
Sa inisyal na ulat na nakalap kay PLt. Mariel S. Quizon, OIC ng Olongapo City Maritime Police Station, isinagawa ang retrieval operation sa Sitio Nagbayucan, Barangay Cawag kung saan nakuha ang bangkay ng babae,
Inilarawan ang biktima na nakasuot ng sleeveless violet color shirt at itim na short pants at ito ay dinala sa punerarya sa Calapacuan kung saan maaring puntahan at kilalanin ng mga kaanak.
Larawan kuha ng OC-MARPSTA


Leave a comment