Subic Bay Freeport- Kinumpiska ng Bureau of Customs-Port of Subic ang isang container na naglalaman ng hinihinalang smuggled na sigarilyo mula sa Singapore na nagkakahalaga ng P46.28 milyong.
Ang pagkumpiska ay base sa warrant of seizure and detention na inilabas ni District Collector Marites T. Martin, bunsod umano sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 3 at Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization Tariff Act.
Batay sa imbestigasyon ay nakita umano na ang consignee ng kargamento na Proline Logistics Philippines Inc., ay hindi rehistrado sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Hindi rin kasama ito sa talaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) List of Registered Importers of Cigarette Brands.
Noong nakaraang buwan ay kinumpiska din ang ang dalawang shipments ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P84.97 milyon mula sa parehong consignee


Leave a comment