Ginanap ngayong Abril 13, 2026 ang opisyal na paglulunsad ng “PhilHealth Yakap Gamot” sa SMX Convention Center, SM Central Olongapo City.
Layunin ng programa na mapadali ang access ng mga mamamayan sa mga kinakailangang gamot sa pamamagitan ng digital na sistema gamit ang GAMOT app, katuwang ang Olongapo City Health Department.
Ang aktibidad ay sinimulan sa assembly na susundan ng panalangin, pambansang awit, at pagkilala sa mga panauhin at kalahok. Kabilang sa bibigyang-pugay ang walong Rural Health Units, 17 city health office doctors, at mga accredited pharmacies na bahagi ng Yakap Gamot program.
Nagbigay ng welcome address si Olongapo City Health Officer Dr. Rodrick J. Bustamante gayundin sina Mayor Rolen C. Paulino Jr., Councilor Benjamin G. Cajudo II, PhilHealth Regional Vice President Atty. Ma. Emily P. Roque, at Acting Branch Manager Dr. Rowena S. Zabat-San Mateo.
Isa sa mga tampok ng programa ang unveiling ng Yakap Gamot signage, aktwal na pagreseta at dispensing ng gamot gamit ang mobile application, at pagbabahagi ng testimonya mula sa mga benepisyaryo.
Bahagi ang inisyatibong ito ng pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa lungsod sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at mas episyenteng sistema ng pagbibigay ng gamot sa publiko (Ulat at larawang kuha ni MITCH C. SANTOS)


Leave a comment