Pinangunahan ni Gobernador Hermogenes Ebdane Jr., kasama ang mga miyembro ng Provincial Government ang Color Fun Run bilang inisyal na aktibidad ng Dinamulag Festival 2026 nitong Biyernes, Abril 10, sa Zambales Sports Complex.

Ang pambungad na event na ito ay bahagi sa tatlong araw ng iba’t-ibang mga aktibidad na magtatanghal ng makulay na kultura at turismo ng lalawigan. Mahigit 5,000 ang nakibahagi sa naturang pagtakbo na sinundan din ng Zumba Dancing ng mga nakilahok. (Larawan mula sa Zambales for the People at ni Julia Stearmer Francia ng Ang Pahayagan)


Leave a comment