BATAAN–Muling pinatunayan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang kahusayan nito sa pagbibigay-serbisyo at episyenteng proseso para sa mga mamumuhunan, manggagawa, at residente sa ecozone, matapos nitong matagumpay na maipasa ang ISO 9001:2015 Recertification Audit na isinagawa ng TÜV Rheinland Philippines, Inc. noong Marso 18, 2026.
Sa naturang audit, muling napanatili ng AFAB ang ISO 9001:2015 Certification para sa saklaw na “Provision of Ecozone Development and Zone Management Services for the Freeport Area of Bataan.”

Pinagtitibay ng tagumpay na ito ang mahigpit na pagsunod ng AFAB sa mga pandaigdigang pamantayan sa quality management system, na nakatuon sa patuloy na pagpapabuti ng mga proseso upang matiyak ang mataas na antas ng serbisyo sa publiko at sa mga kliyente nito.
Patuloy ding naninindigan ang AFAB sa mandato nitong pamahalaan at paunlarin ang Freeport Area of Bataan. Batay sa Initial Audit Summary Report ng TÜV Rheinland Philippines, Inc., walang naitalang major o minor nonconformity sa isinagawang audit—isang patunay ng matatag at epektibong sistema ng pamamahala ng ahensya.


Leave a comment