Ang Pahayagan

Mahal ang isda ngayong Semana Santa – Pamalakaya

Asahan na ang mas mataas na presyo ng isda ngayong Semana Santa, ayon sa Pamalakaya. Ito ay dahil sa mahal na gastos sa transportasyon at produksyon, lalo na sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Pamalakaya Chairperson Fernando Hicap, tumaas na ng humigit-kumulang 20% ang presyo ng isda sa mga nakaraang araw. Dagdag pa niya, mas tataas ang demand ngayong Semana Santa kaya lalo itong maaapektuhan.

Nilinaw din ng grupo na hindi ang mga mangingisda ang kumikita nang malaki. Mababa pa rin umano ang bentahan nila ng huli, at ang pagtaas ng presyo ay dahil sa patong ng mga negosyante.

Dahil sa mahal na diesel, may ilang maliliit na mangingisda ang hindi na muna pumapalaot dahil sa laki ng gastos. (Ulat at larawan ng Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

Leave a comment