Naging makulay at makabuluhan ang huling gabi ng “Pagbangon” art exhibit ng I-Pilipino ngayong buwan ng Marso, bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan, kung saan nagsama-sama ang mga lokal na artista at tagasuporta ng sining sa isang gabi ng pagtatanghal at pagkilala.

Tampok sa aktibidad ang isang tradisyunal na Artist Night, kung saan itinanghal ang iba’t ibang anyo ng sining at talento. Isa sa mga naging highlight ng programa ang upcycled fashion show na nagpakita ng mga likhang-kamay na disenyo ng mga local artist, na nagbigay-pugay sa kanilang husay at pagkamalikhain.

Sinundan ito ng Pagrampa nang mga featured artist ni James O’ Briant, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan. Bukod dito, nagkaroon din ng iba’t ibang pagtatanghal mula G1 Entertainment at solo performer rap artist na si Flaak at sa ilang mga artist na kalahok sa exhibit na lalong nagbigay-buhay sa gabi.

Bilang pagkilala sa mga naging katuwang sa matagumpay na pagdaraos ng exhibit, iginawad ng I-Pilipino ang plake kay James O’ Briant at Sertipiko ng pagkilanlan sa kanilang mga sponsor at partner.

Gayundin din ang pagbibigay ng sertipiko ng pagkilanlan sa mga lokal na artist na naging mahalagang bahagi ng “Pagbangon” at sa patuloy na pag-lago ng sining sa komunidad.

Ang I-Pilipino ay patuloy na nakikipagtulungan sa iba’t ibang grupo upang linangin ang talento ng mga kabataan at mga lokal na artist, na nagsisilbing inspirasyon sa pagpapaunlad ng malikhaing industriya sa bansa. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C.SANTOS)


Leave a comment