Pormal nang binuksan nitong Marso 23, 2026 ang “Pagbangon: Rising Above, Weaving Strength, and Defining the Future” Art Exhibit sa Ayala Malls Harbor Point, Level 2, Olongapo City, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.
Layunin ng naturang exhibit na ipakita ang lakas, katatagan, at kahalagahan ng kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng sining.

Tampok dito ang mga likhang sining na sumasalamin sa pagbangon mula sa mga pagsubok at ang patuloy na paghubog ng kinabukasan ng kababaihan.
Bukod sa art display, inaasahan ding tampok sa programa ang iba’t ibang aktibidad tulad ng art festival, workshops, literary day, book launch, spoken poetry, at recycled art installation na magbibigay inspirasyon sa mga dadalo.
Ayon sa mga organizer, ang exhibit ay magsisilbing plataporma upang maipahayag ng mga artista ang kanilang saloobin at karanasan, lalo na ang mga kwento ng kababaihang patuloy na lumalaban at tumitindig sa kabila ng hamon ng buhay.

Ang “Pagbangon” Art Exhibit ay bukas sa publiko at inaasahang tatagal hanggang sa huling linggo ng Marso 2026, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month.
Patuloy na inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang exhibit at suportahan ang sining na nagbibigay-pugay sa kakayahan at ambag ng kababaihan sa lipunan. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)


Leave a comment