Ang Pahayagan

PHILHEALTH YAKAP AT GAMOT, AVAILABLE NA SA SAN ANTONIO

ZAMBALES–Mas pinalawak pa ang serbisyong pangkalusugan sa bayan ng San Antonio matapos maging available na ang PhilHealth YAKAP at GAMOT program sa Elyaga Medical Clinic and Laboratory at Raine Pharmacy.

Layunin ng nasabing mga programa na magbigay ng mas abot-kaya at accessible na serbisyong medikal at mga kinakailangang gamot para sa mga miyembro ng PhilHealth.

Ipinahayag ng mga kinauukulan ang kanilang pasasalamat sa mga lider at indibidwal na naging bahagi ng matagumpay na pagpapatupad ng programa. Kabilang dito sina Mayor Arvin Rolly D. Antipolo, Dr. Lee-Ann Q. Estrella, SK Federation President Cziello Raine P. Albino, LHIO Head Lheny Fajardo, at ang buong Team LHIO Olongapo.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang mas mapapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad at mas marami pang residente ang makikinabang sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan. (MITCH C. SANTOS)

Leave a comment