Ang Pahayagan

MAY 100 KABATAANG MANUNULAT, TINURUAN NG PPC

San Fernando, Pampanga — Matagumpay na naisagawa ng Pampanga Press Club (PPC) ang Basic Journalism Training 2026, kung saan mahigit 100 kabataang campus writers mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ang lumahok.

Idinaos ang libreng programa noong Marso 14 sa Pampanga Disaster Risk Reduction and Management Office Training Center sa loob ng Pampanga Engineering Office Compound.

Mga Paksa ng Pagsasanay ay tumatalakay sa Pagsulat ng balita, Online reporting at Potograpiya.

Mga Tagapagsanay na kinabibilangan nina, Ian Ocampo Flora (SunStar Pampanga), Ria de Fiesta ng (Pampanga News Now), Frederick Gonzales (Central Luzon Businessweek) at Jojo Due (Trends and Spots Blogmag)

Pinangasiwaan ni Lincoln M. Baluyut, pangulo ng PPC, ang programa na naisakatuparan sa tulong ng Pampanga Provincial Capitol, Philippine Sports Commission, Royce Hotel & Casino, at Orchids Bookstore.

Ang taunang serye ng lektura ay nagsimula pa noong taong 2000 sa pamumuno ni Bert Basa, ipinagpatuloy ni Peter Alagos noong 2009, at muling binuhay noong 2019 sa pamumuno ni Tonette Orejas, na ngayo’y Training Director, kasama si Noel Tulabut bilang chairman.

“Layunin ng PPC na hubugin ang kakayahan ng mga kabataang nais pumasok sa larangan ng pamamahayag,” pahayag ni Orejas.

Itinatag noong 1949, ang PPC ang ikalawang pinakamatandang press club sa bansa. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

Leave a comment