DINALUPIHAN, Bataan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso, isang bagong firetruck ang opisyal na na-turnover sa bayan ng Dinalupihan noong Lunes, Marso 16. Nakiisa sa ceremonial turnover sina Dinalupihan Mayor Herman “Tong” Santos, Vice-Mayor Fernando Manalili, FINSP Abigail David, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP), mga kinatawan ng BFP, at si Mr. Al Ancheta, representante ng tanggapan ni Senadora Imee R. Marcos.
Ayon sa opisyal, ang bagong firetruck ay naging posible dahil sa matagumpay na koordinasyon at pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senador Marcos, ng BFP, at ng lokal na pamahalaan ng Dinalupihan. Ito ay magpapalakas sa kapasidad ng bayan sa pagtugon sa sunog at iba pang emerhensiya, at magbibigay ng mas ligtas na kapaligiran para sa mga mamamayan. (PR)


Leave a comment