Ang Pahayagan

Nagsasamantalang mga gasolinahan, sinampulan ng DOE

Pinagpaliwanag ng Department of Energy ang dalawang gasolinahan sa Quezon City matapos na  mapansing hindi sumunod ang mga ito sa itinakdang schedule ng price adjustment at posibleng sobra ang pagpapatong sa presyo ng fuel.

Personal na inihatid ni Usec. Felix William B. Fuentebella ang show cause order bilang bahagi ng patuloy na aksyon ng DOE laban sa mga retailer ng produktong petrolyo na lumalabag sa price adjustment rules.

Nauna nang hinatagan ng Show Cause Order ang isang gasolinahan sa Pasig City sa kapareho din na kadalilanan.

Pinaalalahanan ni DOE Secretary Sharon S. Garin ang mga gasolinahan na huwag samantalahin ang kasalukuyang sitwasyon sa merkado at magpataw ng hindi makatarungang presyo sa mga konsyumer.

Magpapatuloy aniya ang mahigpit na monitoring at aksyon ng DOE laban sa mga retailer ng produktong petrolyo na lumalabag sa price adjustment rules upang matiyak na napoprotektahan ang mga mamimili laban sa overpricing na nananamantala ng sitwasyon sa Middle East. (πŸ“Έ Department of Energy Philippine fb page)

Leave a comment