Ang Pahayagan

MURAL PAITING ACTIVITY, TAMPOK ANG LOKAL NA SINING SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL ART MONTH 

Isinasagawa ang isang mural painting activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month, na ginanap sa Apo Café at pinangunahan ng mga kabataang alagad ng sining sa ilalim ng Artist3 Art School & Academic Center Olongapo. 

Dumalo bilang panauhing pandangal si Monette Fartiguera Cruz, founder ng I-Pilipino, kasama si Punong Barangay Echie Ponge ng Gordon Heights, na nagbigay-suporta at pagkilala sa kahalagahan ng sining sa pagpapaunlad ng komunidad. Isinusulong din ng  I- Pilipino ang interes at kagalingan sa pagpinta, pagguhit at sa iba pang alagad ng malikhain sining.

Sa temang “Local Creativity Olongapo” layunin ng aktibidad na ipakita ang talento ng mga lokal na artista at mapalakas ang pagpapahalaga sa sining bilang mahalagang bahagi ng kultura at identidad ng lungsod. 

Bahagi rin ng mas malawak na selebrasyon ng Arts Month ang partisipasyon ng Artist3 sa Pag-usbong, na kasalukuyang nagsasagawa ng isang art exhibit upang higit pang maipakita ang husay at malikhaing kakayahan ng mga Olongapeño artist. 

“Nakakatuwa kasi upgraded na ang mga kabataan ngayun kung dati-rati makikita mo lang yung mga kabataan na may ganitong talento sa sport, dancing, singing sa loob ng eskuwelahan o kaya sa mga court, ngayun eto na yung alternatibo, kaya naman nagpapasalamat tayo sa mga magulang na patuloy na sumusuporta sa talento ng kanilang anak at sa Apo Cafe na gamitin ang kanilang Venue sa ganitong aktibidad,” ani Ponge.

Pinasalamatan din nito ang bumubuo ng Artist3 Art School & Academic Center Olongapo na nanguna sa ganitong inisyatiba. 

Ito aniya ay patunay ang nasabing gawain na patuloy na yumayabong ang lokal na sining sa Olongapo sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng kabataan, komunidad, at mga organisasyong sumusuporta sa kultura at malikhaing pagpapahayag, saad pa ni Ponge.(Ulat at larawan ni MITCH C. SANTOS) 

Leave a comment