Ang Pahayagan

WALANG “GHOST PROJECT” SA 1st CONGRESSIONAL DISTRICT, 2ND ENGINEERING DISTRICT OFFICE NG ZAMBALES – DPWH SEC. DIZON

ZAMBALES– Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na walang naitalang “Ghost Project” sa ilalim ng First Congressional District, 2nd Engineering District Office ng Zambales matapos ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Ang First Congressional District ay kinabibilangan ng mga bayan ng Olongapo, Subic, Castillejos at San Marcelino sa Zambales na kinakatawan ni Deputy Speaker Jay Khonghun.

Ayon sa kalihim, lubos ang kanyang tiwala sa buong hanay ng DPWH Zambales Second District Engineering Office sa pamumuno ni District Engineer Rey Lerio at Engineer III Assistant Chief of Construction na si March Redolme na ginagampanan ng tama ang kanilang trabaho.

Matatandaan, unang inatasan ng Independent Committee on Infrastructure (ICI) na magsagawa ng pag iimbestiga ang mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa First Congressional District at 2nd Engineering District Office matapos sumiklab ang kontrobersya sa flood control project.

Ang mga inimbestigahang mga proyekto ay dokumentado at walang nakitang iregularidad kasunod ng isinagawang beripikasyon ng mga awtoridad.

Sinabi pa ng kalihim na mahalaga na walang bahid ng anomalya at dapat matiyak ang integridad ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Nararapat din umano na patuloy na pinangangalagaan ang mga proyektong ipinatutupad sa bansa para sa kapakinabangan ng publiko. (PR)

Leave a comment